Musings: Tagalog Poems

Been trying to write Tagalog poems. Started to write last June 5. Not good at it, be it Tagalog or English, but at least I am trying. Most of them are unfinished or a stanza or two of expressions or musings and all are untitled. Some words are being repeated obviously.

*Una

Halos kalahating araw na pala
Nasayang sa katitingala
Sa kisameng wala kang mapapala
Bangon na, kumilos at humayo
Luhang papatak ay kusang matutuyo

*Pangalawa

Ilang libong segundo,
Naubos kada minuto
Pinagmasdan ang iyong litrato
Anong napala? Pagkasiphayo

*Pangatlo

Isang gabi na naman ang nagdaan
Puso at isip ay muling nagdigmaan
Isang araw na naman ang lumipas
Damdami'y hindi pa rin kumukupas.

*Pang-apat

Ano nga ba ang mas masaya?
Ano nga ba ang mas masakit?
Puso na minsan lang umawit
O magising sa maling inakala?

Ilang taon na rin ang lumipas
Hinayaan na rin na kumupas
Pagibig sa puso ay nawala
Nilimot at ipinagwalang-bahala

*Panglima

Isang araw na naman ang lumipas
Pagibig ay di pa rin kumukupas
Paggising bukas muling iisipin
Kung paglimot ay kaya ng kamtin.

*Pang-anim

Sa dilim ng gabi, naghihintay ng sandali
Sa tabi ng bintana ay nananatili
Nakadungaw at tahimik na nagmamasid
Pagaspas ng dahon, hangin ay walang patid

Sa dilim ng gabi, katahimikan ay nananaig
Wala ni isang ingay akong naririnig
Sa kabilang bakod tila ay payapa
Pagod na katawan ay kanilang inihilata

Sa dilim ng gabi, walang ibang naririnig
Kundi ang tanging ingay ng aking isipan
Humihina, lumalakas ang nakakalitong tinig
Katahimikan ng gabi ay winawakasan


No comments: